KUALA LUMPUR, Malaysia (AP) - Humiling ang pamilya ng nakakulong na Malaysian opposition leader na si Anwar Ibrahim ng royal pardon, sa huling pagtatangka na mapalaya siya sa salang sodomy.

Nakulong ang 67-anyos na si Anwar noong Pebrero 10, sa pagsisimula ng limang taong sentensiya sa kanya matapos ibasura ng Korte Suprema ng Malaysia ang kanyang apela, makaraang magkaroon ng sapat na ebidensya laban sa kanya sa kasong kinasasangkutan ng dati niyang male aide.

Itinuturing ang kaso na politically motivated upang mawala ang banta sa ruling coalition.
National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino