German-Moreno-copy

NAGING panata na ni German “Kuya Germs” Moreno ang pagtungo sa Manaoag, Pangasinan taun-taon para mag-alay ng misa sa Mahal na Birhen ng Manaoag tuwing Lunes Santo.

Kasalukuyan pa ring nagpapagaling si Kuya Germs kaya nag-akala ang grupo na lagi niyang nakakasama sa pagpunta roon na mukhang mapapalya ngayong taon ang Master Showman. 

Hindi na rin kasi nakapagsimba si Kuya Germs sa Sto. Niño de Tondo nong kapistahan nito last january 19. Kaya na-miss si Kuya Germs ng mga taga-Tondo na laging nag-aabang sa pagsisimba niya roon tuwing gabi ng mismong kapistahan.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Pero tuloy pa rin at ayaw magpaawat si Kuya Germs sa panata niya sa patroness ng Manaoag. Nakaplano na agad ngayon pa lang ang biyahe sa Holy Week. Tinatawagan na rin niya ang mga gustong sumama uli. 

Isang bus ang tumutulak galing Manila sakay ang pamilya ni Kuya Germs kasama ang malalapit na kaibigan at ilang press people. Maraming pumipigil sa TV host dahil sa kalagayan niya at baka hindi pa niya kayanin ang mahabang biyahe.

“With doctor’s permission naman, kaya puwedeng-puwede pa ring ituloy ang panata,” sey ng nakausap naming malapit kay Kuya Germs.

Well, wala rin naman daw dapat na ipag-alala ang mga nagmamahal kay Kuya Germs dahil bukod nga sa pinayagan siya ng doktor niya ay kasama rin sa biyahe ang pamangkin niya at doktor rin namang si John Nite. 

Magtatatlong buwan na rin namang nakapagpahinga si Kuya Germs mula nang magkaroon siya ng stroke.