AGOO, La Union – Limang katao ang napatay at tatlong iba pa ang malubhang nasugatan nang pagtatagain ng isang ama at tatlo niyang anak na lalaki ang kaaway nilang pamilya sa Barangay Capas sa Agoo, La Union, dakong 7:15 ng gabi noong Martes.

Kinilala ni Chief Insp. Artemio Infante, hepe ng Agoo Police, ang mga nasawi na si Reynaldo Refuerzo, 30, at ang tatlong taong gulang niyang anak na si Mary Anne Refuerzo, sina Gil Cabilitazan at Zosimo Fontanilla, pawang taga-Bgy. Capas, at ang pinsan nilang si Gilberto Cecilio, 41 ng Dagupan City. Malubha namang nasugatan sina Gilmar Cabilitazan, Rodel Refuerzo at Benjie Tabunia, na pawang isinugod sa Ilocos Training and Regional Medical Center.

Ang mga suspek ay si Demetrio Gayo at ang mga anak niyang sina Noel, Oscar at Ferdinand, pawang taga-Bgy. Capas.

Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman ang mga biktima sa gilid ng kalsada nang dumating ang mga suspek ay hinamon sila ng away ni Demetrio. Hanggang isa-isa nang binaril ng isa sa magkakapatid ang mga biktima gamit ang .45 caliber pistol, habang taga naman ang ginamit ng iba pa.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Nakatakas ang mga suspek at pinaghahanap na ngayon.

Sinabi ni Infante na matagal nang alitan ng dalawang pamilya ang ugat ng krimen. - Erwin G. Beleo