Kahit pa magkaiba ng partidong kinaaaniban, susuportahan ni Barangay Gen. T. De Leon Chairman Rizalino Ferrer ang panukalang batas ni Valenzuela City 1st District Rep. Sherwin T. Gatchalian na magbabawal sa DotA (Defense of the Ancient), counter strike at iba pang computer games sa lungsod.

Sa ilalim ng House Bill 4740 (Internet Cafe Regulation Act) na inihain ni Rep. Gatchalian, pagbabawalan ang lahat ng may-ari ng computer shop na papasukin o tanggapin sa kanilang establisimyento ang kabataan habang school hours.

Bawal na ring maglaro ng DotA at iba pang computer games ang kabataan, lalo na kung nakasuot ng school uniform.

Sinabi ni Ferrer na suportado ng konseho ng barangay ang nabanggit na panukala ni Gatchalian.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang Gen. T. De Leon ang pinakamalaking barangay sa 33 barangay sa Valenzuela, at maraming computer shop sa lugar.