PHOTO-Lady-Gaga-copy

KAKAIBANG Lady Gaga, na talaga namang ikinagulat ng lahat, ang napanood sa 87th Academy Awards noong Linggo, Pebrero 22, nang awitin niya ang The Sound of Music medley sa Dolby Theatre sa Los Angeles.

Inawit ng singer ang ilang medley song kabilang na ang The Hills Are Alive, Edelweiss at Climb Ev’ry Mountain. Ayon sa ulat ng US Weekly, ang My Favorite Things ay isa rin sa presentasyon ni Gaga — ito ang una niyang pagtatanghal simula nang isiwalat niya noong Valentine’s Day ang planong pagpapakasal sa aktor na si Taylor Kinney.

Maging ang The Sound of Music original star na si Julie Andrews, umakyat sa entablado upang ihayag ang parangal para sa Best Original Score, ay humanga at pinasalamatan si “Dear Lady Gaga.” “It really warmed my heart, it really did,” wika ni Andrews habang nasa entablado.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bago sumalang, ibinahagi ni Lady Gaga sa publiko ang kanyang behind-the-scenes na mga larawan habang naghahanda. “Rehearsal is a beautiful sacred space for the performer,” ayon sa singer,28, sa kanyang Instagram nitong nakaraang linggo. “To go deeper and deeper. So excited for Sunday. #Oscars.”

Ibinahagi rin ni Lady Gaga ang larawan kasama ang Academy CEO na si Dawn Hudson, isa sa mga nangumusta sa rehearsal ng singer bilang suporta.

“It was such a wonderful surprise,” pagsasalarawan ni Gaga sa nasabing litrato. “And I am so grateful for her support and the love of Craig and Neil during this beautiful process. it’s going to be an amazing show!” - US Weekly