Sinimulan na ang pagpapatala para sa gaganaping 2015 Manila Bay Seasports Festival sa Marso 14-15 sa Baywalk, Roxas Boulevard.

Magkakaharap ang mahuhusay na mga bangkero mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa para sa taunang bancathon.

Masasaksihan din ang pagtutunggali ng mga koponan sa dragon boat competition na inaasahang sasalihan ng mga beteranong Olympian at mga nagwagi sa Southeast Asian Games. 

Hatid ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila at sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Seasports Festival ay inaasa­hang dudumugin ng mga manonood.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

 Sa ganap na alas-8:00 ng umaga magsisimula ang mga karera. Para sa iba pang detalye ay tumawag sa telepono bilang 0921.723.6658.