IIWASAN na ng Australian rapper na si Iggy Azalea ang social media matapos lumabas ang kanyang mga litrato na nakasuot ng bikini na kuha ng mga paparazzi, kasabay ang pambabatikos na nakukuha niya dahil sa kanyang normal, less-than-perfect appearance.

Ang mga nasabing larawan, na nagpapakita ng alindog ni Azalea suot ang isang tiny bikini bottom habang nagbabakasyon kasama ang kanyang kasintahan na si Nick Young, ay umani ng hindi kaaya-ayang mga komento mula sa netizens na bumatikos sa kanyang hitsura.

Binuweltahan naman ng Fancy singer ang mga kritiko gamit ang kanyang Twitter account noong Miyerkules, at sinabing iiwasan na ang social media upang hindi na siya masangkot sa mga negatibong emosyon.

“Just got back from a great vacation, came online and saw apparently it’s shocking and unheard of to be a woman and have cellulite. Lol,” pahayag ng mang-aawit.

National

4.3-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Norte

“I feel the hatred and pettiness i see online at all times is at making me become an angry person and I cannot be that,” dugtong niya. “To become nasty because of the way I feel iam treated would be a disservice to my fans and I promise i will try to keep smiling.”

“But I also want to let my fans know iam taking some time away from social media. I need to be happy and it is too negative and draining,” aniya. “My management will tweet/run my accounts from today onwards with updates etc unless any message is signed -IA. Love you all. Peace out!” ani ng singer. Sinabi rin niya na ang Internet ay “the ugliest reflection of mankind that there is.”

Hindi ito ang unang pagkakasangkot sa social media arena ng 24-anyos na si Azalea. Noong Disyembre, inakusahan siya ni Azealia Banks na diumano’y ginagawang biro ang ilang race issues.

Kitang-kita ang pagkagalit sa mga akusasyon laban sa kanya, gumanti ng sunud- sunod na tweets si Azalea laban kay Banks. “You’re poisonous and I feel genuinely sorry for you,” pahayag niya noon. “It’s obvious at this point you are a MISERABLE, angry human being. Regards!”