Nasabat ng magkasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Bureau of Customs (BoC) ang high grade na ecstacy gums na galing sa Netherlands, iniulat kahapon.

Base sa report ni PDEA Director General Arturo Cacdac, ang nasabing parcel ay nasabat sa Parañaque Post Office mula sa impormasyon na nakalap ng PDEA Region 3 na nakapangalan sa isang Marlin Sean Duenas ng #89 Bacolod st., Alabang Hills Muntinlupa City.

Ang pinaggalingan ng nasabing parcel ay sa Duthche Post Office, Netherlands subalit walang pangalan ng sender o nagpadala.

Aniya, ang nasabat na mga iligal na droga ay 500 piraso ng ecstacy gum na nagkakahalaga ng mahigt isang milyong piso.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Nabatid na matapos makatanggap ng impormasyon ay mahigpit na binantayan ng PDEA agent ang nasabing parcel subalit hindi dumating ang consignee kung kayat napilitan na itong buksan sa presensiya ng iba’t ibang sektor.

Ayon pa sa opisyal ng PDEA, ang sindikato ng droga ay gumagamit ng iba’t ibang pangalan sa paghuhulog ng kanilang mga epektos sa Post Office para hindi matukoy ang pagkakakilanlan.

Habang iginiit ni Cacdac na hindi basta-basta makakalusot sa kanila ang sindikato ng droga dahil katulong nila ang counterparts sa ibat- ibang bansa at mismong pamahalaan para labanan ang mapanganib at iligal na droga sa bansa.