Piolo , Sarah

WALA nang makakapigil sa pagtatambal sa pelikula nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo.

Ito ang tsika sa amin ng isang executive ng Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN. Ayon pa sa exec, nagkaroon na ng meeting ang dalawa sa mismong opisina ng Star Cinema.

Dagdag pa ng aming reliable source, pati ang schedule ng shooting ay plantsado na at walang problema sa dalawang bida.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Tuwang-tuwa raw sina Piolo at Sarah na sa wakas daw ay nabigyan sila ng pagkakataon na magsama sa isang pelikula.

Kuwento ng Star Cinema exec, kakaibang istorya ang pelikulang pagtatambalan nina Papa P at ni Sarah. Tiniyak niya na magugustuhan ito ng fans ng dalawa ang lalo na’t first time na gaganap ang dalawa sa pelikula na ganoon ang tema.

Iyon nga lang, may pressure na dapat ay malampasan nila ang records ng mga pelikulang Starting Over Again, nina Piolo at Toni Gonzaga at ganoon din ‘yung tatlong pelikula naman ni Sarah na si John Lloyd Cruz ang leading man niya.