Heart and Chiz

GUMAWA ng record as couple  with top-of-the-line principal sponsors sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evanglista nang sila’y ikasal sa  Balesin Resort last Sunday.

Kung ang ilan nating showbiz couples ay  tadtad ng co-celebrities, directors at network owners and executives ang principal sponsors nang mag-I-do’s, sa Chiz-Heart wedding, inipon ang mga cream of the crop o pinakamayayaman mula sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.

Ang kanilang listahan ng principal sponsors  ay pawang who’s who sa mundo ng politics, business at showbiz.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang kapuwa senador at isa sa itinuturing na best friends ni Sen. Chiz na si Senadora Grace Poe ay nag-iisang lawmaker among the principal sponsors. Matatandaan na si Sen. Chiz ang nagsilbing spokesman ni Fernando Poe, Jr. (SLN) nang kumandidato ang ama ng magiting na mambabatas para sa panguluhan.

Kasama sa linya ni Sen. Grace bilang principal sponsors  principal sponsors ang ilan sa ating  business tycoons like  Ramon Ang (chief executive officer at presidente ng San Miguel Corporation), Hans Sy (ng SM group of companies), Megaworld Corporation’s Andrew Tan, Fernando Zobel (ng Ayala Corporation), ABS-CBN Chairman Gabby Lopez (represented by younger brother Ernie Lopez of ABS-CBN Publishing), Lance Gokongwei (ng Cebu Pacific, Robinsons Corp. at JG Summit), New San Jose Builders owner Jerry Acuzar and Alphaland Corp.’s  Bobby Ongpin.

Principal sponsors din ang bigwigs at paptains of media na sina GMA Chairman Atty. Felipe Gozon at ang Kapuso Network executives na sina Gilbert Duavit at Lilybeth Rasonable, Mel Tiangco at ganoon din si Jackie Lou Blanco.

Ang best man ni Chiz, na si Presidente Noynoy Aquino ay hindi nakarating sa Balesin Island. Bagamat inasahan nang hindi siya makakarating dahil si Sen. Chiz na rin ang nagsabi. Nitong mga nakaraang araw ay nakaranas ng pamba-bash ng netizens ang pangulo nang hindi makasipot sa  arrival honors ng “Fallen 44” sa Villamor Airbase. Rason ng bashers, bakit ang mga okasyon na tulad ng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, dinadaluhan niya.

Kaya’t ang tanong, sisipot din ba si PNoy sa  Manila reception nina Sen. Chiz at Heart ngayongnaraw sa Blue Leaf Filipinas?