Sarah at Piolo

KINUMPIRMA ni Sarah Geronimo na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Piolo Pascual.

“Tuloy ‘yung Piolo po,” ani Sarah sa panayam sa kanya sa isang cosmetic launch.

Matatandaan na maraming fans ang na-disappoint nang magpahaging si Piolo sa naunang interview sa actor na baka hindi matuloy ang pelikulang pagsasamahan nila ni Sarah.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Noong nakaraang taon pa napapabalita na magtatambal sila sa pelikula, at may nasulat pang pang-Valentine offering ito ng Star Cinema.

“I really want to work with her but I think it’s not the right project or something like that. We’ll see,” pahayag ni Piolo.

Romantic-comedy ang istorya ng pelikula nina Sarah at Piolo, gaya ng pelikulang Sarah-John Lloyd Cruz. Tumabo sa takilya ang Laida Magtalas at Miggy Montenegro roles nila.

Klinaro rin ni Sarah sa naturang panayam ang tungkol sa isyung may posibilidad na makasama niya sa isang project ang Korean superstar na si Lee Min Ho. May isyu kasing nakipag-tie-up ang Viva (management agency niya) at ang isang Korean company tungkol sa pagsasama nilang dalawa.

“Hindi pa kami nag-uusap ni Boss Vic (del Rosario) about it pero sana,” sey ni Sarah.