Pamela at Rick

SA ikatlong pagkakataon, muling naghain ng divorce papers si Pamela Anderson laban sa asawa niyang si Rick Salomon, ayon sa US Weekly.

“It’s a private matter - Pamela felt best to let go of a difficult situation,” pahayag ng manager ni Pamela sa Access Holywood noong Huwebes. “We do not wish to comment further. Thank you.”

Naganap ang unang kasal ng model/actress at ni Rick noong Oktubre 2007, ngunit naghiwalay pagkaraan ng dalawang buwan. Sila ay nagkabalikan at muling ikinasal noong Enero ng nakaraang taon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinumpirma ni Pamela ang ikalawang kasal nila ni Rick nang makita siyang may suot na singsing sa isang event sa Los Angeles noong buwan ding iyon.

“We’re very happy,” aniya sa E! News noong Enero 2014. “Our families are very happy and that’s all that matters.”

Ayon sa US Weekly, muling naghain ng divorce si Pamela noong Hulyo 3, 2014, ngunit nagdalawang-isip at sinubukang ayusin ang kanilang relasyon.

Unang ikinasal si Pamela kay Tommy Lee noong 1995 hanggang 1998, nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki na pinangalanang Brandon at Dylan. Ikinasal din siya kay Kid Rock noong Agosto 2006 hanggang Pebrero 2007.