DAVAO CITY – May 19 na operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa Davao ang mahaharap sa mga kasong administratibo kaugnay ng pagsabog ng granada sa loob ng himpilan ng pulisya noong nakaraang buwan na ikinamatay ng dalawang tao.

Sinabi ni Senior Supt. Pedro Cabatingan, hepe ng Regional Internal Affairs Services sa Police Regional Offie (PRO)-11, na mga mamamahayag na kabilang sa mga inirekomendang sampahan ng kasong administratibo si Insp. Jamila Grace de Castro, ang dating hepe ng Sta. Cruz Police sa Davao del Sur.

Kakasuhan din ang 18 tauhan ni De Castro ng grave misconduct at paglabag sa operational procedure sa pag-aresto.

Noong nakaraang buwan, nagawa ng isang bilanggo sa himpilan ng Sta. Cruz Police na si Reynaldo Salang, dating sundalo, na magpuslit ng hand grenade sa kanyang selda, na kalaunan ay sumabog.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Kabilang si Salang sa dalawang nasawi sa pagsabog.