Kinasuhan ng Office of the Ombudsman ng graft sa Sandiganbayan si Vice Mayor Allan Damas ng Kumalarang, Zamboanga del Sur dahil sa pagtatalaga sa pinsan niyang si Nellie Toledo bilang municipal treasurer noong 2007 nang siya ay alkalde pa.

Kasong paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang isinampa ng Ombudsman kay Damas matapos kakitaan ng probable cause para maidiin sa kaso.

Ayon sa Ombudsman, nilabag ni Damas ang Section 79 ng Local Government Code of 1991 na nagbabawal sa pagtatalaga sa isang tao sa career service position na may relasyon sa nagtalaga dito hanggang sa fourth civil degree of consanguinity .
National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino