ANG Accrediting Agency for Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACCUP) ay magdaraos ng kanilang Annual National Conference sa makasaysayang Manila Hotel sa Pebrero 11-13, 2015. Ang pangunahing tungkulin ng AACCUP ay ang mag-accredit ng curricular programs at institutions upang umayuda sa state universities and colleges (SUCs). Pinag-aaralan nito ang programs at institutions upang ayudahan ang SUCs na matamo ang pamantayan ng pagkamahusay na nakaaambag sa de-kalidad na higher education sa bansa.

Ang AACCUP ay isang non-profit organization na binubuo ng 109 SUC at mga kolehiyo ng lokal na pamahalaan. Inorganisa noong 1987, ito ay kaanib ng Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation, Inc. (ALCUCOA), at isang miyembro ng National Network of Quality Assurance Agencies, ng Hong Kong-based na Asia-Pacific Quality Network, at ng the Netherlands-based na International Network of Quality Assurance Agencies in Higher Education. Bumuo ang AACCUP at ALCUCOA ng National Network of Quality Assurance Agencies upang tiyakin sa publiko ang kalidad na edukasyon sa pampublikong higher educational institutions (HEIs).

Ang nasa pamunuan ng AACCUP ay ang Founding President and Executive Director nitong si Dr. Manuel T. Corpus, at President, Dr. Luis M. Sorolla, Jr.

Magtitipun-tipon sa national conference ang SUC presidents at mga opisyal nito, education experts, pribadong HEI officials, mga pinuno ng internal accrediting bodies at accreditors, pati na rin ang mga delegado ng foreign accrediting agencies, upang talakayin ang mga isyu at suliranin sa tertiary education, na kaakibat ng paglulunsad ng ASEAN Economic Community integration ngayong taon, na taglay ang malayang pagdaloy ng mga mamamayan, produkto at serbisyo, kabilang ang edukasyon, sa loob ng regional bloc.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Ang pangunahing mga aktibidad ng AACCUP ay nakatuon sa layunin ng ASEAN 2015 - training workshops, meetings, consultancies, at AACCUP outcomes-based instruments na gagamitin sa accreditation. Kabilang sa mga proyekto ang pagsasanay sa bagong accreditors, pati na rin sa senior accreditors para sa advanced accreditation, at workshop sa outcomes-based quality assurance, upang lalong mapaigting ang kalidad ng SUC programs sa pamamagitan ng accreditation.

Kinukonsulta ng foreign universities ang AACCUP hinggil sa accreditation status ng mga programa para sa mga mag-aaral na Pilipino na naghahangad na matanggap. Ang SUC Accreditation ay nabibilang sa programa, tulad ng elementary teacher education, civil engineering, at agriculture. Noong 2014, nag-ulat ang AACCUP ng malaking bilang ng accreditation visits, mahigit 1,372 programa ang nagawaran ng accreditation status.

Ang mga programang nagawaran ng accreditation status ay nagkakaloob ng pagkabantog sa member institutions, umaayuda sa mga magulang upang malaman kung aling programa ang nararapat para sa kanilang mga naak, palawakin ang kamalayan ng sektor ng edukasyon sa mga pamantayan ng kahusayan, tumulong sa pangangalap ng pondo na pansuporta, at alamin ang mga lakas at kahinaan ng mga nasuring programa. Kabilang sa criteria para sa pagsusuri sa mga programa ay ang faculty, curriculum, research, extension and community involvement, at mga laboratoryo.