MAY karapatan naman si Jennylyn Mercado na makipagsabayan sa Valentine concerts. Bukod sa maganda ang boses, kayang-kaya rin niyang sumayaw. At tiyak na makatutulong sa kanya ang pagiging blockbuster ng kanyang Metro Manila Film Festival 2014 entry na English Only, Please. Na nagpanalo sa kanya ng unang best actress award.

JENNYLYN Mercado

Titled Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako ang concert niya sa Ferbruary 13 sa SM North EDSA Skydome, 7:00 p.m. to be directed by Calvin Neria.

Inaabangan sa concert na ito ni Jennylyn ang muling pagbuhay niya sa karakter bilang Tere Madlangsacay sa first part ng show.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang writer-director na si Antoinette Jadaone ang sumulat ng script at musical director naman niya si Louie Ocampo, her one-man band. Sasamahan niya ng humor ang issue of being single which is Jennylyn, right now.

“Para sa ating lahat ang gabing ito,” sabi ni Jennylyn. “Para ito sa mga may jowa na masaya, sa mga may jowa pero hindi pa rin masaya, para sa walang jowa, para sa mga umiibig na ginagamit ang utak, at para sa mga umiibig na tanga. Kaya sige na, samahan na ninyo ako.”

Sa second part ng concert, Jennylyn will appear as herself kaya ipakikita naman niya ang husay niya sa pagkanta at pagsayaw.

Special guests niya ang mga co-stars niya sa English Only, Please na sina Kean Cipriano, Cai Cortez, Jerald Napoles and of course, si Derek Ramsay, at sina Gloc 9, Nico Antonio, G Force at former boyfriends na sina Mark Herras at Dennis Trillo.

Inaabangan ng reporters kung manonood sina Luis Manzano at Angel Locsin, at kung sincere si Luis sa pagsasabi niya noong presscon ng Puregold Perks Card na gusto na rin niyang maging friends sila ulit ni Jennylyn. Si Angel naman ay matagal ding nakasama ni Jennylyn noong pareho pa silang mina-manage ni Becky Aguila.

Hindi na kami magtataka kung manood sina Raymart Santiago at Rafael Rosell sa concert, dahil silang dalawa ang leading men ni Jennylyn sa pinag-uusapang primetime drama series nila sa GMA-7, ang Second Chances.

Co-producer si Jennylyn ng kanyang concert in cooperation with SM North Skydome, Becky Aguila Entertainment and Marketing Services, Quantum Music, Tuko Film Productions Inc, and MJM Productions, Belo Medical Group, to be presented by GMA Network.