New York (AFP)- Sinuspinde si Oklahoma City center Kendrick Perkins ng isang laro na walang bayad kahapon matapos ang head-butting kay New Orleans point guard Tyreke Evans, ayon sa anunsiyo ng liga.

Nangyari ang insidente sa nalalabing 7:43 sa opening quarter kung saan ay nabigo ang Thunder sa sariling tahanan, 116-113, kontra sa Pelicans.

Dahil sa naging resulta ng kaparusahan, ‘di makapaglalaro ngayon si Perkins kung saan ay makakaharap ng Thunder ang host Los Angeles Clippers at kanyang dating Boston coach na si Doc Rivers.

Si Perkins ay may average na 4.0 points at 5.6 rebounds sa 49 appearances para sa Oklahoma City.

SP Chiz, nilinaw na hindi Senate President ang papalit kapag na-impeach si VP Sara

Sa kanyang ika-12 NBA campaign, si Perkins ay may career averages na 5.6 points at 6.0 rebounds.

Tinulungan nito ang Boston Celtics upang kamkamin ang 2008 NBA title bago ito nai-trade sa Oklahoma City noong 2011 kung saan ay dinala naman nito ang Thunder sa NBA Finals sa sumunod na season, ngunit nabigo sa Miami para sa 2012 crown.

Ang Thunder, gumaralgal ang laro dahil sa kaagahan ng season absence ng stars na sina Kevin Durant at Russell Westbrook na kapwa may injuries, ay 25-25 at ika-10 sa Western Conference, tatlong alrong pagkahuli sa Phoenix para sa ikawalo at huling playoff spot.