WALANG balak makipag-ayos si Wiz Khalifa sa asawa niyang si Amber Rose. Gumawa ng ingay sa Twitter ang rapper nitong nakaraang Martes, nang sabihan siya ng isang tagahanga ng “get your wife back.”

Sinagot ni Khalifa, na nakatanggap ng divorce paper mula kay Rose noong Setyembre, ang tagahanga ng “no thanks,” bago magpahayag sa Twitter na tila direktang patama sa kanyang nakaalitang asawa, na ina ng 2 taong gulang na anak nilang si Sebastian.

“A woman who would do something to a kid to spite that kids father is a foul creature,” tweet ni Khalifa, na dinagdagan ng, “Seen my boy. All is well.”

Hindi pa tumigil doon si Khalifa. Hindi man tuwirang tinukoy, nagpaliwanag siya na, “that’s pretty much the only thing that can spin my universe out of control… Sucks when people try to use that against you but the cool part is figuring out how much self control you have.”

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Nag-tweet muli ang rapper na: “As long as he’s playing and smiling i’m cool. can’t be pissed when I see that handsome face.”

Simula pa lang noong una, sadyang mapait na ang samahan ng mag-asawa. Isang araw bago lumabas ang balita tungkol sa hiwalayan nila at sa sumunod na balita tungkol sa panloloko, nag-tweet si Rose at sinabing: “Reliving that moment over and over and over…… smh.” 

Isang buwan pagkatapos ng hiwalayan, sinabi ni Rose sa Us Weekly na umaayos na ang mga bagay-bagay.

“I’m doing pretty good,” sabi ni Rose sa Us. “I am going through a divorce and technically I’m single I guess you could say but I’m just not ready for that,” dagdag pa nito tungkol sa kung handa na siyang makipag-date muli. “I’m focused on my son and I’m focused on work and I really don’t have time for a man right now.” - US Weekly