Ang Bureau of Customs (BOC), na isang revenue-collection agency na kumikilos sa ilalim ng Department of Finance (DOF), ay nagdiriwang ng kanilang ika-113 anibersaryo ngayong Pebrero 6. Mandato sa BOC ang: repasuhin at kolektahin ang karampatang buwis; puksain ang smuggling, kontrolin ang mga barko at eroplano sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa, magpatupad ng batas sa taripa at customs; kontrolin ang pangangasiwa ng mga liham buhat sa ibang bansa para sa pagbubuwis; kontrolin ang mga import at export cargo; at pangasiwaan ang mga kaso ng forfeiture at seizure.

Kabilang sa mga reporma ngayong taon ang mas mabilis at mas maginhawang pakikipagtransaksiyon sa BOC, mas mahusay na koleksiyon ng buwis, at isang pinaigting na kampanya laban sa smuggling. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang modernisasyon at automation ng mga serbisyo na nakaangkla sa pagpapatupad ng updated e-commerce technology bilang paghahanda sa paglulunsad ng ASEAN Economic Community.

Sa Hunyo 2015, ang BOC, sa pamumuno ni Commissioner John Philip P. Sevilla, ay tinatanaw ang katuparan ng mga sumusunod na programa: fully electronic, paperless bureau; single, centralized assessment service; single, centralized valuation database; sale or disposition ng mga produktong inabandona, kinumpiska o isinuko bilang penalty sa loob ng dalawang buwan matapos ibaba ng resolusyon ng legal proceedings; at full electronic record-keeping para sa Customs-bonded na mga warehouse.

Magiging katuwang ito ng limang taon na Strategic Plan (2013-2017), na isang action-oriented initiative upang gawing mahusay ang administrasyon ng Customs sa pamamagitan ng goal-setting at resource allocation hanggang 2017. Mayroong open engagement ang BOC sa pribadong seKtor sa pagbabalangkas ng mga polisiya, kung saan ginagawa ang karamihan ng mga aktibidad sa pakikipagkonsulta sa aktibong partisipasyon ng mga partner nito.

Sen. JV walang tinatanaw na 'utang na loob sa Uniteam: 'I was boosted out of the line up!'

Ang isang katanggap-tanggap na BOC project ay ang online tracking system (www.customs.gov.ph) na inilusad noong Disyembre 2014, kung saan maaaring makita ng mga tatanggap at nagpadala ng mga balikbayan box ang status nito. Laman ng tracker ang listahan ng lahat ng balikbayan box shipment na tangan ng mga lokal na cargo forwarder sa Customs, ang bansang pinanggalingan nito, ang papasukang daungan nito sa Pilipinas, at ang bills of lading na may bilang ng mga shipment.

Ang Philippine customs service ay nagsimula sa pagdating ng mga European colonizer nang kumukulekta ang mga datu o rajah ng barangay ng mga buwis mula sa mga negosyante na naglalako ng kanilang mga kalakal. Ang gawi na ito ang nagbunsod ng batas ng Customs sa bansa. Nilikha ang Tariff Board ng mga Kastila, na nagpatuloy hanggang sa panahon ng mga Amerikano. Ipinatupad ng Philippine Commission ang Administrative Act No. 355 noong Pebrero 6, 1902, na lumikha sa Bureau of Customs and Immigration na kumikilos sa ilalim ng Department of Finance and Justice. Nang maging hiwalay na tanggapan ang DOF mula sa Department of Justice, pinanatili nito ang Bureau of Customs sa ilalim ng superbisyon nito. Inihiwalay ng Philippine Legislature ang Bureau of Customs sa Bureau of Immigration sa pahon ng Commonwealth.