VALHALLA, N.Y. (AP) — Isang siksikang pampasaherong tren ang bumangga sa isang sport utility vehicle na patawid sa riles noong Martes ng gabi, na ikinamatay ng pitong katao, ikinasugat ng iba pa at nagbunsod ng sunog sa train at sa SUV. Sa lakas ng impact nabaklas ang ikatlong de kuryenteng riles at tumusok sa train, sinabi ng mga awtoridad.

“You have seven people who started out today to go about their business and aren’t going to be making it home tonight,” pahayag ni Gov. Andrew Cuomo sa crash site sa Valhalla, 20 milya sa hilaga ng New York City.

Umalis ang northbound Metro-North Railroad train sa Grand Central Terminal sa Manhattan dakong 5:45 p.m. at bumangga sa Jeep Cherokee makalipas ang halos 45 minuto. Sinabi ni Cuomo na patay ang driver ng SUV at ang anim pang pasahero nito, ang pinakamadugong aksidente sa riles.

Bumaba na ang railroad crossing gates sa ibabaw ng SUV, na pinigil sa pagtakbo, ayon kay Metropolitan Transportation Authority spokesman Aaron Donovan. Lumabas ang babaeng driver upang tingnan ang likuran ng behikulo, bumalik siya at nagpatuloy sa pagtakbo at nasagasaan ng tren.
National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'