Angeline at Erik

KAHIT may mga nagtataas kilay sa relasyong Erik Santos at Angeline Quinto ay ipinagdiinan sa amin ng isang taong malapit sa kanila na totoo na may relasyon na ang dalawang magaling na singer na parehong regular sa ASAP. 

Aminado rin naman ang kausap namin na may mga kasamahang taga-showbiz na nagsasabing hindi sila naniniwala na may relasyon sina Erik at Angeline, pero pilit na ipinaglalaban ng dalawa ang pagmamahalan nila.

“Kung meron mang hindi makapaniwala, eh, meron din namang mga close kina Erik at Angeline na masaya para sa dalawa,” sey pa ng tao na laging nakakasama ng dalawa sa mga lakaran may kinalaman man sa showbiz o wala. 

PAWS, pinaalala kaligtasan ng mga hayop sa gitna ng bagyong #Kristine

Kuwento pa niya, sa tuwing nakakasalubong nga raw ng fans sina Erik at Angeline ay halos lahat naman nagsasabing bagay na bagay ang dalawa.

E, ‘yun nga lang, ibunuking din ng aming source na hindi smooth ang relasyon nina Angeline at Erich ngayon dahil merong “lover’s quarel” ang mga ito.

May isang linggo na raw na hindi kinakausap ni Angge si Erik at pati text messages ng una ay dinidedma ng una.

“Mukhang selos ang dahilan, kasi nakita mismo ni Angeline ang mga selfie pictures ni Erik kasama si K-La Rivera, eh, very sweet ang dalawa sa kuha nila, kaya hayun, nag-alburoto si babae,” sey pa ng source namin.