Sinopla ng Sandiganbayan ang mosyon ni detained Senator Jinggoy Estrada na haharang sana sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magpalabas ng kanyang bank accounts na nakadetalye ang pagtanggap umano nito ng kickback mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa bail hearing noong Lunes, ipinaliwanag ni Associate Justice Alex Gesmundo na idinahilan ng defense panel sa kanilang motion to suppress evidence ang confidentiality clause sa mga kasong may kaugnayan sa mga freeze order.

“The AMLC report was made pursuant to Section 11 of the Anti-Money Laundering law pertaining to the AMLC’s authority to look into bank accounts believed to be engaged in illicit activities, thus making Estrada’s confidentiality claims misplaced,” pagdidiin ni Gesmundo.

Matatandaang nakasaad sa 90-pahinang ulat ng AMLC kung paano itinago ni Estrada ang kanyang kayamanan sa kanyang Statements of Assets and Liabilities Networth (SALN) at kung paano rin nito tinanggap ang mga kickback mula sa pork barrel fund sa pamamagitan ni Janet Lim-Napoles, ang binansagang mastermind ng pork barrel fund scam.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho