4_le-tour

LINGAYEN, Pangasinan- Gaya ng dapat asahan, walang naging pagbabago sa general classifications ng 2015 Le Tour de Filipinas kahapon na nagsimula sa Iba, Zambales at nagtapos sa kapitolyo ng lalawigan na ito.

Ito’y bunga na rin ng mahigpit na bantayan at pagpapakiramdaman ng mga nangungunang rider at koponan kahapon sa penultimate stage na may distansiyang 150.1 kilometro. Dayuhan pa rin ang nanguna sa stage sa katauhan ni Malaysian national rider na si Harif Salleh makaraang lamunin ng main peloton na pinangunahan ng koponan ni Salem na Terrengganu Cycling Team ang nalabing dalawang siklista na nasa lead group.

Buhat sa kanilang pagkalas sa main peloton mula sa kilometer 22 pagkawala sa neutral zone, inabutan ng main peloton ang nalabing dalawang siklista sa lead pack na sina Hari Fitrianto ng CCN Cycling Team at Sun Jae Jang ng RTS Santic Racing Team pagpasok sa huling limang kilometro patungo sa finish line.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Kasunod ito ng pagkalaglag ng nauna nilang kasamang si Theodore Yates ng Navitas Satalyst Racing Team ng Australia pagpasok sa Capitol grounds.

“Me and my team just wait for the sprint because in the first two stages with mountain climb it’s very hot and we’re having a hard time,” ani Salem na umaming mas magaling siya sa sprint.

Tinapos ni Salleh, nagwagi na bilang runner- up at third placer sa stage noong nakaraang 2012 Tour de Langkawi at gold medalists sa scratch at team pursuit sa nakaraang 2011 SEA Games sa Jakarta ang karera sa tiyempong 3:38:35, kaparehas ding oras na ibinigay ng iba pang top 10 finishers na kinabibilangan nina Mehdi Sorahbi ng Tabriz Petrochemical Team ng Iran at Tino Tomel ng RTS Santic na siyang pumangalawa at pumangatlo, ayon sa pagkakasunod.

Ayon pa Kay Salleh na nakatakdang muling maging kinatawan ng Malaysia sa darting na Asian Cycling Championships at Singapore SEA Games, mistulang naging ensayo lamang nila ang unang dalawang stages ng karera na inihahatid ng Air21, sa tulong ng MVP Sports Foundation at Smart at inorganisa ng Ube Media.

Samantala, dahil napasama sa malaking grupong tumawid sa finish line, kasama ang stage winners, nanatiling nasa top 3 pa rin sa individual classification sina Eric Sheppard ng Attaque Gusto Team ng Taiwan, defending champion Mark John Lexer Galedo ng team classification leader na Seven Eleven by Roadbike Philippines at Thomas Lebas ng Bridgestone Anchor Team ng Japan.

Sa kasalukuyan ay may natipon nang oras si Sheppard na 10:46:16, tatlong segundo lamang ang layo Kay Galedo at apat na segundo naman Kay Lebas.

Nangunguna pa rin bilang Best Climber ang 2012 champion at kakampi ni Galedo na si Baler Ravina at sprint leader naman si Oleg Zemiakov ng Kazakhstan national team.