LOS ANGELES (AP) – Ang bagong mosque sa pusod ng Los Angeles na bawal pasukin ng mga lalaki ay posibleng una sa Amerika.
Iniulat ng Los Angeles Times na mahigit 100 babae ang nagtipon noong Biyernes sa interfaith Pico-Union Project para sa pananalangin sa paglulunsad ng Women’s Mosque of America, isang nonprofit na layuning magkaloob ng pagkakataon sa kababaihang Muslim na matuto at makipag-ugnayan sa isa’t isa.
May mga pambabaeng mosque na sa China, Chile at India, ngunit sinabi ng mga Muslim leader na ang bagong mosque sa LA ay posibleng ang una sa Amerika.