Shakira

KAMAKAILAN nitong nakaraang buwan, ibinahagi nina Shakira, 37, at Piqué, 27, ang ilang sweet na larawan ng kanilang pamilya — kasama ang anak na si Milan — bilang bahagi ng kanilang vitual World Baby Shower na magbibigay tulong sa UNICEF.

Binihisan ng magiging ina sa pangalawang pagkakataon ang kanyang lumalaking tiyan ng mahaba at mapusyaw na flowing gown. Ang kanilang mini-me naman ay nagsuot ng gray na shirt at jeans tulad ng kanyang ama kaya lalong naging kahanga-hanga ang kanilang family photo.

Nagkakilala sina Shakira at Piqué noong 2010 habang ginagawa ni Shakira ang video para sa kantang Waka Waka na ginamit sa South Africa World Cup. Bagamat lagi na silang magkasama simula noon, sinabi niya na hindi sila nagmamadaling itali ang isa’t isa sa pamamagitan ng kasal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“When you feel complete you don’t need to get married, and you don’t think about it,” kuwento ng Empire songstress sa Primer Impacto. “Whatever, he is mine now.”