MAY nagkuwento sa amin tungkol sa malaking tampo ng isang not so old but not so young actress sa producer at sa direktor ng pelikula na malapit nang ipalabas. 

Kasama sa naturang pelikula ang aktres na ganadung-ganado pa naman sa shooting dahil gandang-ganda siya sa role niya simula pa lang nang ipabasa sa kanya ang script. 

Natapos naman niya ang movie at ipinagmamalaki pa niya ito sa mga kasamahan niya pero nalaman ng aktres na kinatay nang husto ang role niya at halos lahat ng major scenes niya ay tinanggal.

Nagalit ang aktres dahil sa ginawa sa role niya. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“They edited out a lot of her major scenes. Almost lahat ng ginawa niya, eh, tinanggal. Kaya nawindang siya nang husto. Sino ba naman ang hindi, di ba?” sey pa sa amin ng source namin na malapit na malapit sa imbiyernang aktres.

Pero nakiusap naman daw ang aktres na huwag na lang daw sanang palakihin pa ang isyu at kahit sa billing at sa poster ay may karapatan din siyang magreklamo, pero hayaan na lang daw.

“Sa totoo lang, alagang-alaga siya ng network, pati billing at role niya, eh, inalagaan nang husto ng TV station kung saan siya nakakontrata ngayon, ‘tapos nakatanggap siya ng hindi maganda diyan sa pelikulang ‘yan,“ himutok pa rin ng source. 

Pero in fairness, sa presscon ng naturang movie ay puring-puri naman ng direktor ng pelikula ang akting ni aktres. 

“Gano’n? Matapos ang ginawa nila sa kanya? Kaya pala kinatay nila ang role ni _______ (name),” sey pa ng source namin.