Dalawang kilabot na riding-in tandem ang naaresto nitong Miyerkules ng umaga makaraang tatlong beses na mangholdap sa kalsada sa Quezon City sa loob lamang ng ilang oras.

Kinilala ni Quezon City Police District director Senior Supt. Joel D. Pagdilao ang mga nadakip na sina John Ryan Tayo, 23, ng No. 4674 Road Runner Street, New Prodon, Valenzuela City; at Ernest Lozada, 23, may asawa, welder, ng Fridel Compound, Phase II, Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Batay sa report na isinumite ni Supt. Ariel Capocao, hepe ng Talipapa Police Station 3 (PS-3), naaresto ang dalawa makaraang maaksidente ang kanilang getaway motorcycle sa Quirino Highway sa Novaliches.

Ayon sa imbestigasyon, 7:00 ng gabi nitong Miyerkules nang tutukan ng baril at agawan ng cell phone ng mga suspek si Catherine Dioso sa GSIS Village Sangandaan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makalipas ang isang oras ay hinoldap naman ng mga suspek ang noon ay naglalakad pauwi na si Franz Josef Passion sa Production Street at kinuha ang cell phone nito.

Kinilala naman ang ikatlong biktima na si Maria Hanna Perez, na hinablutan ng shoulder bag ng mga suspek habang naglalakad sa Project 6 sa Bahay Toro.