Inaasahan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na pangungunahan ni Pangulong Aquino ang pagsalubong sa labi ng mga napatay na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) sa pagdating ng mga ito sa Villamor Airbase sa Pasay City mula Maguindanao ngayong Huwebes.

Sinabi ni Senior Supt. Roberto Po, deputy spokesman ng PNP, na inaasahan nilang darating sa Villamor Airbase ang mga labi dakong 10:00 ng umaga lulan ng C-130 cargo plane ng Philippine Air Force (PAF).

“Inaasahan naming sasalubong ang Pangulo. Kaya inatasan ang lahat ng star-rank officer ng PNP na magtungo sa Villamor,” pahayag ni Po sa press briefing.

Bukod sa mga opisyal ng PNP, inaasahan ding magtutungo sa Villamor Airbase ang kamag-anakan ng mga napatay na commando matapos atasan ang mga provincial at regional director na hanapin ang mga ito para sa gagawing pagsalubong, ayon kay Po.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Matapos ang pagbibigay ng full military honors sa Villamor Airbase, ililipat ang mga labi sa SAF Headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.