Nanawagan ang prosekusyon sa Sandiganbayan na huwag bawiin ang una nitong desisyon na nagsesentensiya kay dating Dumaguete City Treasurer Ofelia Oliva ng 10-taong pagkakakulong bunsod ng overpricing ng isang timbangan ng baka noong 1990.

“As the City Treasurer it is incumbent upon accused to make sure that public funds are properly used and accounted for, this accused Ofelia Oliva miserably failed to do so,” saad sa komento ng prosekusyon sa motion for reconsideration na inihain ni Oliva sa Sandiganbayan kamakailan.

Una nang hiniling ni Oliva sa Sandiganbayan Special Second Division na bawiin nito ang desisyon noong Nobyembre 24 na nagsesentensiya ng pagkakakulong ng hindi hihigit sa 10 taon dahil sa pagbili ng Colt International weighing scale sa halagang P130,000.

Bukod sa overpriced, napatunayan ng korte na mababa rin ang kalidad ng timbangan ng baka na binili mula sa Joe Bart Enterprises noong 1990.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Iginiit ng prosekusyon na naberipika ni Dumaguete City Auditor Leticia Tan mula sa Filipinas Mills, Inc., ang eksklusibong distributor ng Colt International weighing scale sa bansa, na nagkakahalaga lamang ito ng P70,180.

“This amount of P59, 820.00 represents a loss for the City of Dumaguete which conversely is an unwarranted benefit to Joebart Enterprises,” pahayag ng mga abogado ng gobyerno.

Ipinunto rin ng prosekusyon na hindi rin ito idinaan sa kaukulang public bidding.