Nagpaabot ang Pilipinas ng pakikiramay at simpatya sa gobyerno at mamamayan ng Saudi Arabia sa pagpanaw ni Custodian of the Two Holy Mosques King Abdullah bin Abdulaziz Al-Saud.

Ayon sa kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA), binawian ng buhay ang nasabing hari kahapon ng umaga at papalit sa kanyang trono ang kanyang kapatid na si His Majesty King Salman bin Abdulaziz Al Saud.

Sa ilalim ni King Abdullah,napatatag ng Saudi Arabia ang kanyang ambag/kontribusyon bilang positibong puwersa sa ekonomiyang pandaigdig.

Hindi lang napakalaking kawalan ang pagyao ng hari sa Kingdom at mundo ng Islam kundi maging sa mga komunidad ng mga responsableng bansa.

'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?