NAGSALITA na si Jennifer Lopez tungkol sa kanyang buhay pag-ibig — at mukhang ang ito’y matagal na nating narinig. Cover ang three-time divorcée sa bagong People magazine at habang aliw na aliw sa pagtingin ng mga bagong larawan ng kanyang anim na taong kambal, nabingi ang press sa pakikinig sa kanyang recycled na mga linya tungkol sa kanyang lovelife.

“I still believe in the fairy tale,” bulalas ng 45 year-old The Boy Next Door star, nang sabihing single na siya matapos ang hiwalayan nila ng mas batang si Casper Smart noong spring. (Naka-date din niya sina Wesley Snipes, Diddy, at ang hindi malilimutang relasyon nila ni Ben Affleck.) “The more I work on myself, the more I give myself the opportunity to share a really deep and meaningful relationship that can give me my fairy tale and last forever.”

Hindi kaya ito ang kanyang bagong ibinibentang linya -- tulad ng Sweetface noong 2003. Ito ay dahil matagal nang nasusubaybayan at naririnig ng media ang mala-hopeless romantic na mga kuwento tungkol sa “fairy tale,” “true love,” “following my heart,” at “believing in love,” na napakaraming beses nang inuulit-ulit. Pero halina’t balikan at pagtiyagaan, puwede ba?

ALAMIN: Pagbabago sa holiday schedule sa ilang public transportation sa Metro Manila