KUNG hangang-hanga ang mga Pilipino kay Pope Francis, bilib din sa kanya si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle. Sinabi ng cardinal na ang binigyang-halaga ni Lolo Kiko sa kanyang mensaheng espirituwal ay ang kahalagahan at pangangalaga sa pamilya, malasakit sa mahihirap at pag-iwas sa katiwalian at materyalismo. Hindi naniniwala si PNoy na siya ang pinatatamaan ni Pope Francis nang manawagan ito ng higit na pagmamalasakit sa mahihirap.

Nanawagan ang Papa sa mga opisyal ng bansa na tigilan ang katiwalian. Idinepensa ng Pangulo ang record ng kanyang administrasyon sa pagsisikap na matabas ang katiwalian sa pamahalaan. Sinabi rin niya na pinaiigting ng gobyerno ang anti-poverty measures upang mapabuti ang kalagayan sa buhay ng mahihirap na pamilyang Pilipino.

Ipinamalas ng mga Pilipino ang tunay na disiplina sa limang araw na pastoral visit ni Pope Francis sa kabila ng ingay pagbubunyi ng milyun-milyong mananampalataya. Naging disiplinado ang mga Pinoy, hindi lumabag sa trapiko at pagpupumilit na sa ano mang paraan ay kailangan nilang makalapit at makinig sa Papa kahit gibain ang mga inilagay na concrete at plastic barrier ng mga awtoridad. Ipinamalas din nila ang init at walang maliw na pananalig kay Kristo at sa Simbahang Katoliko na pinamumunuan ni Pope Francis. Sabi nga ng Pangulo sa mga reporter matapos ihatid si Pope Francis sa Villamor Airbase: “He repeatedly expressed thanks to the nation. He was really happy with the warm reception given him.” Mabuhay ang mga Pinoy!

Well, ang pagtanggi pala ng isang asawa (babae o lalaki man) na makipagtalik ay hindi patunay ng tinatawag na psychological incapacity. Ito ang binigyang-diin ng 6th Division ng Court of Appeals, ayon sa balita, nang idismis nito ang petisyon ng isang babae para ideklarang walang bisa o pawalang-saysay ang kasal.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Hindi raw dahilan ang pagtanggi ng esposo sa sexual intercourse na siya ay “psychologically incapacitated” sa ilalim ng Article 36 ng Family Code. Sabi ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko: “Bakit kaya ganoon? May ED kaya ang mister o laging pagod o matanda na?