CHICAGO (AP)– Umiskor si Derrick Rose ng 22 puntos upang talunin ng Chicago Bulls ang San Antonio Spurs, 104-81, kahapon.

Nakuha ng Bulls ang kinakailangang panalo matapos matalo sa anim sa kanilang huling walong laban at ibinigay sa defending champions ang kanilang pinaka-lopsided loss ngayong season.

‘’It shows what we’re capable of doing,’’ sabi ni All-Star Pau Gasol.

Si Rose, na kinastigo ang kanyang koponan kasunod ng kanilang pagkatalo sa Cleveland noong Lunes, ay umatake sa rim at nakuha ang 9 sa kanyang 16 na shots. Pinangunahan niya ang anim na manlalaro ng Bulls na nagtapos sa double figures.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Nagdagdag si Gasol ng 12 puntos at 17 rebounds makaraang maiboto sa kanyang ikalimang All-Star game at una bilang starter.

Gumawa si Jimmy Butler ng 17. Nagdagdag si Taj Gibson ng 15 puntos at 9 rebounds. Nagtala si Aaron Brooks ng 15, at naputol ng Bulls ang kanilang three-game home losing streak.

‘’We just played embarrassing basketball,’’ ani Spurs coach Gregg Popovich. ‘’I want my money back.’’

Agad nag-init si Rose at gumawa ng 15 puntos sa first half, at nagtungo ang Chicago sa locker room na may 46-40 abante.

Nai-convert ni Tony Snell ang isang three-point play sa huling 17.3 segundo sa second quarter upang umpisahan ang 14-2 run ng Bulls para ilista ang iskor sa 57-42 sa third period. Nanatili ang kontrol sa Bulls hanggang sa dulo at pansamantalang isinantabi ang kanilang mga alalahanin.

May mga ispekulasyon na nasa balag nang alanganin ang trabaho ni coach Tom Thibodeau at nawawala na rin umano ang suporta sa kanya sa loob ng locker room.

‘’As I told you yesterday, I could careless, couldn’t careless, and I don’t think our team couldn’t careless about that stuff,’’ sabi niya.

Hindi naman pinaniwalaan ni Popovich ang mga bali-balita tungkol kay Thibodeau.

‘’That’s baloney,’’ aniya. ‘’Nothing could be further from the truth.’’