Nananatili sa alert status ang Philippine National Police (PNP) kahit nakaalis na ng bansa si Pope Francis bilang paghahanda sa darating na Asian Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Sinabi ni PNP-Public Information Office, director Chief Supt. Wilben Mayor, kailangan pang pag-aralan kung kailangan nang ibaba ang alert level ng pambansang pulisya dahil magpapatuloy ang kanilang paghahanda sa darating na APEC Summit.

Ayon pa kay Mayor, malaki ang papel ng publiko sa matagumpay na limang araw na pagbisita sa bansa ng Santo Papa at umaasa ang Pambansang Pulisya na muling maipakita ng mga Pinoy ang koordinasyon na ipinairal sa state at apostolic visit ni Pope Francis sa mga susunod na international events.
National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM