Inigo & Piolo

PAGKATAPOS patunayang aktor na nga ang 17 year-old na bagets na aktor sa MMK, featured naman sa Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis si Iñigo Pascual.

Balita ring bukod sa Viva Films ay mag-uumpisa na rin ang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Regular na rin siyang napapanood sa ASAP tuwing Linggo.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Ngayon tuloy, unti-unti nang nagri-realize ni Piolo na sa pagsunod ng kanyang unico hijo sa kanyang mga yapak ay pareho na silang ‘busy as a bee’ sa kani-kaniyang career.

Kaya nabawasan na rin ang oras ni Iñigo para sa bonding nilang magama, ang tunay na dahilan kaya pinili nitong manatili sa Pilipinas.

“Akala ko nga mas madali ngayon," sabi ni Piolo nang makaharap ng press sa launching sa kanya bilang endorser ng Silka Papaya Soap with Iya Villania.

Noong una, inakala niyang sapat na ang panahong nagkikita sila sa ASAP. “I just realized na mas naging busy pa siya sa akin. So parang mas nadagdagan pa ‘yung problema namin. Kasi we hardly have time for each other,” sabi ni Papa P.

Sa kabilang banda, naiintindihan naman daw na kapag busy ang isang artista, ibig sabihi’y lumalaki ang savings ng anak sa bangko.

“So, hindi ko na kailangang problemahin ‘yon (allowances o finances ni Iñigo),” aniya.

“The least I can do is to guide him, be there, support him. Kasi hindi nga madali, pero kung nagsisisi ako? Hindi siguro. I’m happy because he is with Star Magic, Cornerstone and with ABS-CBN.”

Iñigo promised na hindi niya bibiguin ang ama sa kanilang kasunduan na hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aaral kahit pa gaano siya ka-busy sa showbiz.

“I reminded him just make sure ‘wag pababayaan ang pag-aaral,” very-tatay na sabi pa ni Piolo sa anak, dahil kung hindi’y hindi na niya ito papayagang ipagpatuloy ang pag-aartista.