SA presscon ng Halik Sa Hangin ay takang-taka si Julia Montes nang matanong tungkol sa tsikang buntis siya kaya raw hindi siya visible sa telebisyon at sa showbiz events.

JULIA Montes“Sana nga po ay nakaalis ako ng bansa, pero hindi nga ako nakaalis ng bansa,” paglilinaw ng dalaga. “And of course, lagi kaming nagsu-shooting, almost every day in a week. So, lagi kaming magkakasama. Wala pa ngang boyfriend, eh. Paano kaya?”

Pati hindi pagpo-post ni Julia sa kanyang Instagram account ay pinagdudahan.

“Hindi talaga ako ma-post. Ini-enjoy ko lang lagi kapatid ko, inihahatid ko sa school. ’Pag walang work, lumalabas kami, talagang ‘yung bonding time, tsini-cherish ko talaga.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“‘Tapos ginawa ko siyang private, kaya walang lumalabas, kasi hindi ako nagpu-post lately,” paliwanag niya.

Dati nang natsismis na buntis si Julia.

“Honestly, ‘pag nari-recall ko nga, may isyu na diyan before. Hindi ko maalaala kung ilang taon ako, naisyu na rin ako nu’n. Pinagtatawanan ko na lang, kasi nga, baka hindi nga ako nagpo-post, hindi ako masyadong lumalabas sa TV, at focused kami dito (sa pelikula). And for sometime, nag-lock-in talaga kami sa Baguio (location ng Halik Sa Hangin),” kuwento pa ng aktres.

Hindi na rin inalam ng aktres kung saan nagmula ang tsismis dahil, “Hindi ko na iniisip. Kasi kung meron man, lalaki na lang siguro ang tiyan ko. So, ‘yun, lalabas at lalabas rin naman ‘yan kung totoo. Kung wala, wala naman talaga,” katwiran ng dalaga.

Walang boyfriend si Julia dahil, “Work lang muna talaga. Kasi, kilala ko ang sarili ko. Ako kasi ‘pag focused ako sa work, focus muna ako. At ayokong mag-focus sa love kasi ang daming oportunities. At bibihira naman mabigyan ng ganitong opportunities ang iba. Oo nga, imagine pinagkatiwalaan si Julia sa magandang role niya sa Halik Sa Hangin na coming of age movie raw.

Panay nga ang kulit ng entertainment press kung ano ang gist ng Halik Sa Hangin pero ayaw itong ipakuwento dahil malalaman daw kaagad.

Hindi rin daw ito inspired sa pelikulang Twilight na may hawig daw sa layout ang poster.

Ang ibinigay lang na clue ni Direk Manny Palo ay base sa lyrics ng kantang Halik sa Hangin nina Ebe Dancel at Abra na kasama sa P-Pop Love Song 2014 kaya kaagad naming binasa.

Tungkol sa short-lived relationship ang song, kaya baka ganito ang nangyari kina Julia at Gerald Anderson sa movie na napag-usapan sa presscon na may matinding love scene na first time na ginawa ng dalaga sa buong showbiz career niya.

Curious lang kami kung bakit kay Gerald napapayag si Julia na magkaroon ng intimate scene kumpara kay JC de Vera?

Anyway, obsessive stalker ni Julia ang papel ni Gerald na may misteryosong personalidad at may kinalaman siya kung bakit biglang nawala ang ex-girlfriend niyang si Jasmin Curtis-Smith.

Bagamat maliit lang ang papel ni Jasmin, siya naman ang susi para malutas ang pagkawala niya, bagay na ikakagulat daw ng lahat.

Makakasama nina Gerald, JC, Jasmin at Julia sina Edu Manzano, Jet Pangan at Ina Raymundo sa Halik Sa Hangin mula sa Star Cinema, sinulat at prinodyus ni Enrico C. Santos sa direksiyon ni Manny Palo at mapapanood na sa Enero 28.