GERMAN-Moreno2

NALAMAN namin sa sekretarya ni Kuya Germs na dumalaw pala sa master showman si Sharon Cuneta. Naka-confine pa sa St. Luke’s ang host ng Walang Tulugan.

Ayon sa very loyal na sekretarya ni Kuya Germs, matagal-tagal na nakipagtsikahan si Mega kay Kuya Germs. Kitang-kita raw nila sa mukha ni German Moreno ang kasiyahan nang makita ang isa sa mga itinuturing niyang anak-anakan sa showbiz.

“Biglang sumigla nga si Kuya Germs nang makita niya si Mega. Gusto pa ngang tumayo at nakalimutan yata niyang naka-confine siya,” sey pa ng aming source.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinadama raw ni Shawie ang pagmamahal niya kay German Moreno. Halos yakapin nga raw ng megastar ang huli. Gandang-ganda ang kausap namin sa aura ngayon ni Sharon.

Sabi pa ng source, baka sa July na lang ituloy ang pagbiyahe ni German papuntang America para magbakasyon at doon na rin ipagpatuloy ang therapy. Marami naman daw kasing mga pamangkin si Kuya Germs sa America na pawang doktor at kayang-kaya raw na alagaan ng mga ito ang beteranong TV host.

Samantala, napag-alaman din namin na medyo pumayat na nga si Sharon, pero hindi naman daw totoong 30 lbs na ang nabawas sa timbang ng aktres. Kitang-kita rin naman nila na masayang-masaya ang aura ni Mega at malayung-malayo na sa sinasabi nito last year na nasa “depression stage” siya.