Arestado ang tatlong drug addict na naaktuhang humihithit ng shabu sa isang musoleo sa loob ng sementeryo sa Bato, Camarines Sur kamakalawa.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Jonathan Platilla, 38; Arnel Francia, 38 at Joseph Michael Angelo Hernandez, 25.

Sa ulat ng Bato PNP, nakatanggap ng sumbong ang mga awtoridad na nagsasagawa ng shabu session ang mga suspek sa loob ng musoleo ng Bato Catholic Cemetery kaya agad isinagawa ang operasyon bandang 8:00 ng gabi.

Dinatnan ng mga awtoridad ang tatlo kaya agad inaresto nang hindi lumalaban. Nakuha sa kanila ang 11 plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20