BB Gandahari

TWENTY-ONE years na pala ang nakalipas nang magsama-sama sa pelikulang Mistah: Mga Mandirigma (1994) ang magkakapatid na Robin, Rommel at Rustom Padilla na idinirek ni Bebong Osorio.

Bukod kay Binoe ay hinahabol din ng mga babae noon si Rustom at naging leading lady niya si Alice Dixson sa launching movie niyang Sana Dalawa Ang Puso Ko (1995) kasama si Dina Bonnevie.

Naalala rin namin na very vocal si Alice noon sa pagsasabing super crush niya si Rustom, pero ngayon ay iba na dahil ‘kumare’ na niya ang dating type niya, si BB Gandanghari.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Kaya excited si BB sa muling pagsasama-sama nilang magkakapatid sa 2 1/2 Daddies dahil pakiramdam niya ay katulad pa rin ng dati ang samahan nila.

Sa trailer pa lang ng 2 1/2 Daddies ay talagang napahagalpak kami ng tawa sa ilang eksena, kaya ang sabi ng sosyalerang aktres na si Ms. Celia Rodriguez, ito ang “show that will end all shows.” Ang taray, di ba?

Say ni BB, hindi na Padilla brothers ang tawag sa kanila kundi Padilla siblings. Oo nga naman.

Samantala, palaisipan sa entertainment press ang sagot na ‘secret’ ni BB nang tanungin kung nagpa-sex change na siya. Kaya kinulit siya.

“I’ve been transitioning. It’s a process. ‘Di ba, mas sexy ako ngayon kaysa last year? Unti-unti. Isa na lang. Kasi sabi ko, huwag n’yong biglain,” kuwento niya.

Hormone replacement daw ang tawag sa procedure na pinagdaanan ni BB.

Bigla tuloy naming naalala si Kevin Balot na nagkuwentong hindi naman ipinaputol kundi ipinasok lang sa butas na ipinalagay niya.

Ganito rin kaya ang ibig sabihin ni BB? Ayaw kasi niyang mag-elaborate.

Mapapanood na ang 2 1/2 Daddies simula sa Enero 24 (Sabado), 7 PM.