Jane Oineza

PAGKATAPOS maging housemate ni Kuya sa PBB last year, first exposure ni Jane Oineza ang seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ng ABS-CBN.

Malaking tiwala ang ibinigay sa kanya ng management para maging isa sa mga bida ng seryeng mapapanood na simula January 19, 3:45PM.

"Happy ako na finally magagawa ko na 'yung dream ko, since before pa pangarap ko nang magkaroon ng ganito (soap drama). Thankful ako sa ABS-CBN dahil binigyan nila ako ng opportunity na mag-lead sa isang teleserye and hopefully maganda ang kalabasan din at sana nga abangan ng mga tao kasi maraming kaabang-abang sa show na ito," sey ng young actress.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Jane will be playing the role of Corrine Natividad, isang anak na gagawin ang lahat para guminhawa ang buhay ng kanyang pamilya.

"Lahat gagawin niya para matupad niya 'yung pangarap niya sa family niya," at idinugtong na sana'y subaybayan ng viewers ang serye para malaman kung paano matutupad ang mga pangarap ni Corrine.

Si Jerome Ponce ng dating seryeng Be Careful With My Heart ang magiging leading man ni Jane. Natuwa si Jane dahil mabait at masayang katrabaho si Jerome.

"Masaya siyang kausap," aniya, "hindi ka mabo-bored. Gusto ko 'yung sense of humor ni Jerome."

Puspusan na ang kanilang taping this week.

''I'm looking forward sa mga taping days na kami ang magkakasama kasi kasi first time nga naming magkawork. Di ba, friends naman kami eversince," depensa niya.

Of course, mawawala ba sa set-of-questions ang tungkol kay Jeron Teng, ang kanyang rumored boyfriend. Kaya lang urniwas siyang sagutin ang tungkol sa kanila ng sikat na PBA player. Nais daw niyang maging private ang tungkol sa kanila.

"Siguro ... ano, we're just keeping it more private na lang ngayon. Pero, constant din naman 'yung communications namin. Happy naman ako. 'Yun lang," maikling paliwanag niya sa tanong.