STAR-STUDDED na Ati-Atihan Festival celebration ang masasaksihan sa Kalibo, Aklan ngayong linggo dahil makikisaya ang ilang Kapuso prime stars sa tinaguriang Mother of All Philippine Festivals.

Sa ikalimang pagkakataon, makakatuwang ng Municipality of Kalibo at ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. ang GMA Network sa paghahandog ng all-party at all-positive vibe event para sa mga Aklanon.

Opisyal na nagsimula ang Kapuso festivities noong Enero 9 sa ABL Auditorium nang ganapin ang 2015 Mutya it Kalibo Ati-Atihan beauty pageant. Saksi sa impressive performances ng mga kalahok si Kris Bernal na nagsilbing judge, si Chynna Ortaleza na nag-host at si Mike Tan na nangharana sa contestants.

Samantala, ngayong gabi simula alas siyete ay magtatanghal ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa Kapuso Night na gaganapin sa Kalibo Pastrana Park. Makakasama niya sa isang unforgettable live performance sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at Betong Sumaya mula sa primetime series na Once Upon A Kiss.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Bukas, ang Aklanon fans ng Kapuso heartthrobs na sina Alden Richards, Steven Silva, at Rocco Nacino ay magkakaroon ng pagkakataong makita ang kanilang mga idolo sa Ati-Atihan parade simula 2 PM.

“GMA Network welcomes 2015 with spectacular shows at Kalibo’s Ati-Atihan Festival. This year, we are fulfilling a promise to all Aklanons as we bring closer to them our prime artists led by the Asia’s Songbird Regine Velasquez. We have prepared hard and long for this festival and we certainly plan on making the Kapuso events our regional viewers will never forget,” pahayag ni Oliver Victor B. Amoroso, GMA Regional TV AVP at Head ng Regional Strategy and Business Development Division.

Mapapanood ang highlights ng Ati-Atihan Festival sa Let’s Fiesta TV Special na ipapalabas sa Enero 18 sa pamamagitan ng GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO.