INIGO at julia

MARAMI ang humangang netizens kay Iñigo Pascual nang interbyuhin siya sa The Buzz noong Linggo at tanungin kung nililigawan niya ang ka-love team niyang si Julia Barretto sa month-long episode ng Wansapanataym Presents Wish Upon a Lusis.

“Hindi po totoo na nililigawan ko si Julia,” mabilis na sabi ng batang aktor.

Kadalasan kasi kapag love team ay inili-link sa isa’t isa at kapag tinanong ay may mga pa-cute at nakakabanas na paliguy-ligoy, sasabihing posibleng ma-in love kuning-kuning si girl o si boy kasi magkasundo sila o kung anu-ano pang kaek-ekang drama.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Pero kapag binalikan si girl kung ano ang masasabi sa sinabi ni boy ay pangiti-ngiti na feeling ang haba-haba ng hair.

Si Iñigo raw kasi nang tanungin (hindi namin napanood kasi nasa labas kami) kung posibleng ligawan niya si Julia ay diretsong sumagot ng, “Parehas kaming 17 and hindi naman po sa takot, but we’re both young and it’s not something that we’re really focusing on right now.”

Honesty is still the best policy. Natatandaan naming si Sofia Andres ang may pitak sa puso ni Iñigo na hindi niya itinanggi sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-Ibig pero hindi sila officially on.

“We’re good friends. Not officially together, but we were talking and I can say we had something special. No label to it,” malinaw na sabi ng binatilyong aktor.

Kaya sa nasabing panayam kay Iñigo sa The Buzz ay inamin niyang kailangan nilang mag-focus ni Sofia sa kani-kaniyang trabaho.

Ka-love triangle si Sofia nina Enrique Gil at Liza Soberano sa Forevermore samantalang si Iñigo ay kay Julia nga ipina-partner na kailangan ng push para sa serye at sa pelikula nila sa Viva Films.

At ang paliwanag ni Inigo, “We didn’t give up on each other, I mean I had to tell her (Sofia) that it’s our job. We have different love teams, we can’t control things. We were never officially together. I mean, we had a good talk, we just hugged. It wasn’t a goodbye.”

Hmmm, binigyan ni Iñigo si Sofia ng assurance na kahit si Julia ang ka-love team niya ay walang personalang magaganap.

Walang nakakabanas na paliguy-ligoy na sagot tulad ng iba. ‘Yan ang kahanga-hangang artista.