NGAYONG gabi mapapanood ang premiere telecast ng Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis na ikalawang pagtatambal nina Iñigo Pascual at Julia Barretto.

Una silang nagkatambal sa Maalaala Mo Kaya na matatandaang nakakuha ng mataas ng ratings at positive feedback. Iyon ang nagbunsod sa ABS-CBN management para magdesisyon na gawin nang permanenteng magka-love team sina Iñigo at Julia.

Muling masusubukan ang lakas nilang dalawa sa isang buwang episode ng Wansapanataym.

Sa kuwento, gagampanan ni Julia ang karakter ni Joy, isang dalagitang ulila na walang ibang nais kundi ang magkaroon ng pamilyang magmamahal at tatanggap sa kanya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa gitna ng kanyang kalungkutan, matatagupuan ni Joy ang kanyang tanging kaligayahan sa katauhan ng sikat na artistang JP na gagampanan naman ni Iñigo.

Anong pagbabago ang mangyayari sa buhay ni Joy kapag nakilala na niya nang personal ang iniidolong si JP sa tulong ng isang magic lusis? Matutulungan ba nila ang isa’t isa na matupad ang kanilang wish na mahanap ang pagmamahal ng magulang na matagal na nilang inaasam-asam?

Makakasama nina Iñigo at Julia sina Susan Africa, Perla Bautista, Bobby Andrews, Miguel Vergara, Eunice Lagusad, Kazumi Porquez, Daisy Reyes, at Ana Roces mula sa panulat ni Joel Mercado at direksyon nina Manny Palo at Rahyan Carlos.