Dalawang holdaper na nambiktima sa mga pasahero ng isang jeep ang namatay sa pakikipag-engkuwentro sa mga umaarestong pulis sa Silang, Cavite, kamakalawa.

Agad na nasawi ang mga suspek, na kapwa hindi pa nakikilala, dahil sa mga tinamong bala sa katawan matapos manlaban sa mga awtoridad.

Ayon kay Silang Police chief Supt. Regil Torralba, nagpanggap na pasahero ang dalawang suspek at nilimas ang mga gamit at pera ng mga pasahero.

Bago tumakas ay nagkataong dumaan ang jeep sa police checkpoint at nakahingi ng tulong ang mga pasahero kaya nagkaroon ng engkuwentro ang mga holdaper at mga pulis.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nakuha mula sa dalawang napatay ang isang baril at ilang gamit ng mga pasahero