ABALA pala si Angel Locsin sa major renovation ng bahay niya sa isang exclusive village sa Quezon City, tsika sa amin ng taong malapit sa aktres

Angel LocsinHindi napagkikita sa showbiz events ang dalaga dahil hands-on siya sa ipinagagawa niyang bahay.

“Gusto kasi niya nakikita niya lahat,” tsika sa amin.

Major renovation ang ginagawa kaya tinanong namin ang source kung sira na ba ang bahay na parang kailan lang naman ipinagawa ni Angel.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

“May mga kailangang palitan kasi luma na, change of atmosphere, saka for more functionality,” sagot ng aming kausap.

Bakit kailangan ng change of atmosphere, e, hindi naman titirhan ni Angel iyon ‘pag nag-asawa na siya?

“He-he-he, sana doon pa rin or puwede namang palipat-lipat,” natawang sagot ng kausap namin.

Oo nga naman.

Akala namin ay iilan lang ang nakatira sa malaking bahay ni Angel dahil nu’ng pinupuntahan pa namin ito ay bilang lang sa daliri ang nakatira, hindi na pala ngayon. Kasama na raw kasi ni Angel ang mga kapatid niya bukod sa daddy niya at kung minsan ay doon din pumipirme ang ina na may sarili rin namang bahay.

In fairness, Bossing DMB, inaayos muna ni Angel ang bahay na ipapaubaya niya sa pamilya niya bago siya lumagay sa tahimik.