Maja & Ms Aileen Go

DAPAT sigurong magpasalamat sina Jennylyn Mercado at Raymart Santiago kay Maja Salvador na panay ang banggit ng second chance na titulo pala ng serye nila sa GMA-7.

Nakatsikahan namin si Maja habang sa pictorial para sa pagbabalik niya bilang endorser ng Sisters sanitary napkin na inendorso niya rati apat na taon na ang nakararaan. Panay ang banggit niya ng second chance dahil kinuha siya uli ng Megasoft Hygienic products (Super Twins baby dry, Cherub Disney baby colognes, Grand Adult Diapers, Lampein baby comfort) na pag-aari nina Mr. Emilio at Mrs. Aileen Go.

“Kaya nga second chance, bakit tatanggihan ang grasya, di ba?” nakangiting sabi ng dalaga.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pagkatapos kasi ni Maja ay kinuha na si Erich Gonzales pero pagkalipas ng isang taon ay muling ibinalik ang aktres na soon ay makakasama rin ang nakababatang kapatid na papasok na rin sa showbiz.

Feeling negosyante na rin si Maja dahil siya na mismo ang nagprisinta ng mga kapatid niya sa ABS-CBN at Star Cinema bosses.

“Dinala ko ‘yung tatlo kong kapatid na babae, prinesent ko kina Mr. M (Johnny Manahan), Ma’am Charo (Santos-Concio), Ma’am Malou (Santos), kasi naghahanap sila ng bagong mukha, eh, prang may hinahanap sila that time. So thank you girls (ang) mga kapatid ko.

“’Tapos biglang ‘tinanong ni Mr. M ulit ‘tong kapatid ko, sumunod sa akin, hayun, interesado raw sila, eh, ipagpapaalam ko pa kay Boss Vic (del Rosario) kasi Viva naman talaga kami, doon kami ihinabilin ng tatay ko.  Kaya mag-uusap pa sila ng handler ko kung paano at sino ang magma-manage,” kuwento ni Maja.

Natutunan ni Maja sa dati niyang manager na si Manay Chit Ramos, “Sama-sama lang sa mga events ‘tapos ilalako ka, hanggang sa mapansin ka, kaya ‘tong mga kapatid ko, ‘sinasama ko rin, natutunan ko ‘yan kay Manay Chit.  O, di ba, successful,” pabaklang sabi ng aktres.

Si Maja ang leading lady sa kontrobersiyal na seryeng Bridges kasama sina Jericho Rosales at Xian Lim. Pero umatras na ang huli dahil may gagawing serye kasama si Kim Chiu, iba sa unang kumalat na dahilan na nahihirapan ito sa mga eksena sa Bridges.

Tinanong namin si Maja  tungkol dito pero ngiti lang ang itinugon niya at sinabing mas magandang sa taga-ABS-CBN na lang kami magtanong.

Umiling siya nang banggitin namin na si Paulo Avelino na ang kapalit ni Xian sabay sabing, “Wala po akong alam.”

Pero nang tanungin siya kung nanghihinayang siya sa pag-alis ni Xian ay sumagot agad siya.

“Opo naman. Kasi, ang ganda ng workshop namin. ‘Kala ko nu’ng nagsama kami sa Ina, Kapatid, Anak, kilala ko na ‘yung Xian na nakilala ko. ‘Eto, nu’ng nag-workshop kami, nakitaan ko siya ng ibang side naman,” kuwento ng dalaga.

Nabanggit din niya na hindi pa siya sure kung si Paulo na talaga ang kapalit kasi nga may talks pa raw siyang naririnig na hindi naman niya alam pa ang final answer.

E, di si Gerald Anderson na lang ang ipalit.

“Tama na ‘yung Gift of Life,” mabilis na sagot ng dalaga na ikinatawa namin. –Reggee Bonoan

Ay ayaw na niyang makasama si Gerald, the boyfriend?

“Hindi po natin alam, siyempre, depende kung may maganda ulit na project.  Kasi, tulad nga po ng sabi namin, ayaw naming sobrang haluan ng showbiz ‘yung relasyon namin.

“Di ba, katulad po nu’n, nung ginawa namin ‘yun, parang sobrang naging maingay na naman ‘yung relationship naming dalawa, ang daming questions, hindi maiwasang magtanong nang magtanong sa amin,” katwiran ng dalaga.

Ayaw daw kasi nila ni Gerald na maging circus ang relasyon nila o laging napag-uusapan o nababasa sa pahayagan.

“Mas maganda ang tahimik na buhay, walang stress, walang isyu,” sabi pa ni Maja.