STO. TOMAS, Batangas - Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 78-anyos na magsasaka matapos niyang kumprontahin ang suspek dahil sa kinuhang sako sa Sto. Tomas, Batangas.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan si Florencio Latore, ng Barangay San Rafael, Sto. Tomas, habang pinaghahanap na ang tumakas na suspek na kinilalang si Alberto Abiertas, 41 anyos.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Nelson Maligalig, dakong 1:00 ng hapon Enero 6, nagtatabas ng damo si Latore malapit sa kanyang kubo nang dumating ang suspek.

Kinompronta umano ng matanda ang suspek nang kuhanin ang kanyang sako ng bigas na walang laman.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20