Limang araw matapos ang selebrasyon sa Bagong Taon, nagdagdagan muli ang bilang ng mga sugatan sa pagpapaputok sa Pasig City noong Lunes.

Ito ay matapos masabugan ang isang 11-anyos na lalaki at ang kanyang walong taong gulang na kapatid na nasabugan ng paputok noong Lunes.

Ayon sa pulisya, naputol ang kanang kamay ang biktimang si Mark Anthony Ng sa lakas ng pagsabog ng paputok samantalang ang kanyang nakababatang kapatid ay nagtamo ng sunog sa kilay.

Iniulat ng Eastern Police District (EPD) na naganap ang insidente dakong 3:00 noong Lunes ng hapon malapit sa bahay ng mga biktima sa 1670 Atis St., Mangga 3, Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan, Pasig.

ALAMIN: Pagbabago sa holiday schedule sa ilang public transportation sa Metro Manila

Base sa imbestigasyon, namulot ng mga paputok na hindi sumabog noong bisperas ng Bagong Taon sa kalsada ang dalawang biktima.

Matapos makaipon ng maraming palpak na paputok, inilagay ni Mark Anthony ang mga ito sa isang lata bago sinindihan at sumabog ng napakalakas na ikinasugat ng dalawang paslit. - Francis Wakefield