MASAYA ang talakayan kahapon sa KrisTV ni Kris Aquino at ng isa sa guests niyang si Erich Gonzales nang mapag-usapan ang nakaraang bakasyon ng guests din na sina Carmina Villarroel at Vice Ganda.

Erich-Gonzales-copy-296x300Kung si Vice ay hindi masyadong nagkuwento about his Hong Kong trip with friends, at si Carmina naman ay hindi umalis ng bansa at sa piling na lang ng mga Legaspi at Villarroel nag-spend ng holidays, exciting naman ang Japan trip ni Erich.

Kasama ni Erich ang kanyang sisters sa Japan at nilibot nila ang Tokyo kasama ang kaibigang si Enchong Dee na nag-treat ng dinner sa kanila.

With Kris around as host, hindi lalampas ang episode na hindi mapag-uusapan ang tungkol sa lovelife. Hindi naman idinenay ni Erich na in love siya ngayon. Hindi man eksaktong binanggit ni Erich ang pangalan ng kanyang boyfriend, na sinasabing ang apo ng richest man sa Pilipinas na si Henry Sy, hindi niya idinenay na apat na taon na silang magkarelasyon.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Twenty-four years old na si Erich ngayon at posible raw na two years pa ang kanyang palilipasin bago  niya isipin ang pagpapakasal.

Natututo na ring magnegosyo si Erich, na impluwensiya ng kanyang boyfriend kaya’t may-ari na siya ng isang modern Italian resto called Piccolo.

Ongoing pa rin ang kanyang soap na Two Wives, bilang kaagaw ni Kaye Abad sa puso ni Jason Abalos.

Kontrabida ang role ni Erich dito kaya’t  nabansagan siya sa socail media as top five most hated kontrabidas. Ani Erich, ‘it’s just the role’ at of course, taliwas ito sa maamo, mabait niyang personalidad.

Pahayag ng aktres, sa mga susunod pang  episodes ng Two Wives, “Ako na ang legal wife. Siya (Kaye) na ang  kabit.”