Enero 7, 1566 nang mahalal ang Italian na si Antonio Ghislieri (1504-1572) bilang Papa at tinawag sa pangalang Pius V. Isa siya sa mga naging susi sa Catholic Reformation.

Pumasok si Ghislieri sa Order of Preachers sa edad na 14, at naordinahan noong 1528. Sa kanyang panunungkulan bilang papa, ninais niyang mapanatili ang kasagraduhan ng pananampalatayang Katoliko at hinimok ang mga pagbabago sa Simbahan. Ginamit niya ang Inquisition, ipinatupad ang panuntunan ng Council of Trent, pinarusahan ang mga Obispong lumiliban, at namuno sa Simbahan. Ipinatupad din niya ang Roman Catechism.

Taong 1568 nang inilunsad niya ang Breviarium Romanum at ang Missale Romanum naman noong 1570.

Nabigo siyang tugunan ang pang-uusig sa mga Katoliko sa England ngunit naging matagumpay laban sa Islamic Turks.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Mayo 1, 1672 nang basbasan siya ni Pope Clement X at pagsapit ng Mayo 22, 1712 ay pormal siyang ideklara ni Pope Clement XI bilang santo. Ang kanyang kapistahan ay tuwing Abril 30.